-Vaughn-I let Bianca hold me, though her arms could never ease the storm inside me. Hindi ko na alam kung ilang minuto na akong nakayuko doon, yakap-yakap ang malamig at wala nang buhay na katawan ni Daddy, na para bang kung mahigpit ko siyang hahawakan ay maibabalik ko pa ang init ng kanyang katawan at ang buhay niya. Ramdam ko na ang lamig ng kanyang balat, ngunit hindi ko pa magawang bitawan siya. Ayoko pa. Hindi ko pa kaya.Patuloy ang pag-agos ng mga luha ko, at ang bawat hikbi ay umaalingawngaw sa nakakabinging katahimikan ng silid. Bianca pressed her face against my back, her arms wrapping around me in a desperate consolation, whispering the same words again and again, “I’m sorry, I’m so sorry…”Bawat paghingi niya ng tawad ay parang patalim na tumatagos sa puso ko. Pero wala na itong saysay pa. Wala nang anumang salita, luha, o paghingi ng tawad ang makapagbabalik pa sa tatay ko.Pero wala siyang kasalanan. Isa lang ang alam kong gagawa nito sa amin, si Julio Santos. Pero wa
Last Updated : 2025-08-21 Read more