-Vaughn-“Daddy!” umiiyak na sigaw ni Beatrice. “Daddy, ayokong sumama sa’yo! Huwag mo akong kukunin, please! Iwanan mo na lang ako kay Vaughn! Ayoko sa’yo!”“Anak, hindi pwede. Hindi ka na mahal ng tarantadong ‘yan! Hindi ka naman talaga niyan minahal eh! Halika na, sumama ka na sa akin, sabay tayong aalis ng bansa. Papatayin natin silang lahat!” sabi nito at saka ibinuka ang mga kamay.Pero umiling si Beatrice.“Dad, please! Ayoko na ng magulong buhay. Gusto ko nang magbago. Hayaan mo na lang ako kay Vaughn. Ayoko na sa’yo! Ayaw ko nang makasama ka!” kahit nagwawala na si Beatrice, hindi pa rin ito binibitawan ni Norman.Hindi pa masyadong malakas si Beatrice dahil sa gamot na nasa sistema nito, pero kitang-kita kong nahihirapan na si Norman sa paghawak sa kanya.“Manahimik ka!” malakas na bulyaw ni Julio at nanlilisik ang mga matang tinitigan ang anak. “Pagkatapos ng lahat ng ginawa ko para sa’yo, pagkatapos ng lahat ng ibinigay ko sa’yo, ito pa ang igaganti mo sa akin? Mas gusto mo
Huling Na-update : 2025-09-09 Magbasa pa