-Norman-Habang nagaganap ang kasal sa simbahan, naramdaman ko ang pagtawag ng kalikasan kaya tumayo ako mula sa aking kinauupuan. Hindi ko na kasi talaga kaya. Kanina ko pa ito tinitiis. Nakakahiya kasi na basta na lang ako tatayo at aalis habang nagsasalita pa ang pari.“Kuya, saan po dito ang cr?” tanong ko sa isang lalakeng naglalakad sa hallway, pero hindi niya ako narinig dahil may kausap siya sa phone. Nagkakamot ng ulo na diniretso ko ang pinanggalingan niya, pero dalawang batang lalaking parang mga kaedad ko lang ang tumatakbo ng mabilis at nakasalubong ko.“Hey, Vaughn! Watch out!” sigaw ng isang nasa likod, pero huli na ang lahat. Nabangga na ako ng batang nasa unahan niya dahil nakatingin ito sa likod habang tumatawa.Hindi na rin ako nakaiwas at natumba ako sa sahig. Mabuti na lang at hindi nahulog ang camera na nakasabit sa leeg ko at bumagsak lang ito sa dibdib ko, kung hindi ay basag ito. Pero pagtingin ko sa aking pantalon, halos maiyak ako nang makitang basa na ito.
Last Updated : 2025-09-17 Read more