-Norman-After thirteen long years of blood, sweat, and sleepless nights, I finally had it. My own security agency, and my own private investigation office in the Philippines. Para sa akin, hindi lang ito isang negosyo. Ito ang patunay na sulit ang bawat sakripisyong pinagdaanan ko sa loob ng labing-tatlong taon na ito, bawat pagkatalo, at bawat sandaling muntik na akong sumuko.Kung hindi ko lang inisip ang mga magulang ko at ang kapatid ko na nawala sa buhay ko, hinding-hindi ko ito maipagpapatuloy. Sila ang dahilan kung bakit naitayo ko ang kumpanyang ito.Noong una, ginusto kong maging pulis. Pero naisip ko na sa pamamagitan ng negosyo kong ito, hindi lang ako makakapagligtas ng buhay ng mga tao, makakatulong din ako para mahanap ang mga mahal nila sa buhay, at mapoprotektahan sila ng mga binuo kong team.Dugo, pawis, at luha ang ipinuhunan ko para marating kung nasaan man ako ngayon. At dahil ito sa pamilya ko. Mahahanap ko na ang mga pumatay sa mga magulang ko, at sa wakas, maha
Last Updated : 2025-09-21 Read more