Cassandra..."Cassie, aalis na kami. Hintayin mo na lang si Adrian, magkasama sila ni Toby nag-uusap sa cafeteria, kapag hindi pa siya nakabalik ay tawagan mo na lang." Aunt Sheena gestures to my cellphone on the table. "Magpahinga ka na muna, bawiin mo ang lakas mo, tutal natutulog naman ang kambal mo. Huwag kang mag-alala, mamaya ay papasok muli ang dalawang nars na ni hire ni Adrian para magbantay ng kambal." nakangiting sabi ni Daddy Tommy. Hindi na pumayag ang ama ni Adrian na hindi daddy ang itawag ko sa kaniya. Lalo na mang malaman niya na muli kaming nagpakasal ni Adrian. Bumaling ang paningin ni daddy sa magkatabing crib kung saan payapang natutulog ang kambal. "Hay naku, kung pwede lang ayoko ng umalis rito hanggat hindi kayo makauwi mga apo ko.." "Psst..hinaan mo ang boses mo, Tommy, baka magising ang kambal." saway ni Aunt Sheena. "Hay naku, ang cute talaga nina Charlie Adrian at Charlotte Cassandra. Hmn, what a name..Ikaw ba hija ang nakaisip na idagdag ang i
Last Updated : 2025-08-04 Read more