20 years ago…Matapos masunog ang boy’s orphanage ng St. Helene na nasa kabilang bayan ay inilipat sina James sa girl’s towne habang ginagawa ang nasunog na ampunan. Kilala ang St. Helene sa probinsya nila, magkahiwalay ang amounan ng babae at lalaki. Ilang linggo na din doon si James, nang mailipat sila doon ay naging mas mailap siya sa tao. Hindi pa siya dinadalaw ng kanyang ina. Oo, kahit na nasa ampunan siya ay dinadalaw siya doon ng kanyang nanay. Lumaki na siya sa ampunan dahil ayaw sa kanya ng kinakasama ng nanay niya. Habang naglalaro ang mga bata sa ampunan ay naisipan niyang magtungo sa attic para mapag-isa. Nagulat siya nang makita ang isang batang babae na umiiyak. “Anong nangyari sayo?” inosenteng tanong niya. “Kinulong kase ako dito ng mga kalaro ko, hindi ko maabot yung door knob.” Walong taon pa lamang si James noon. Sa tantya niya ay mas bata sa kanya ng ilang taong ang babae. “Ikaw anong ginagawa mo dito?” tanong nito sa kanya.“Gusto ko lang mapag-isa, ayoko d
Last Updated : 2025-07-06 Read more