Friday. “Naomi, sa site na tayo magkita ha. Wag ka na dumaan sa office may ka-meeting din akong client ngayon. I'll try na makasunod sa site. If not, please ikaw na muna on my behalf. Gusto lang naman ng client na makausap ka for details and everything.” sabi ni Andrew sa tawag. Mukhang sobrang busy ito sa tono pa lang ng pananalita. Tila humahangos nga ito habang pinapaliwanag sa kanya ang gagawin niya. “Okay, I got you!”“O sige na, I'll see you when I see you, nandito na yung sasakyan ko.”“Alright ingat.”Pagkatapos nilang mag-usap ay minabuti niyang mag-asikaso na ng sarili para makapunta sa site kung saan itatayo ang hotel and resort ng kliyente nila. Confident naman siya na magugustuhan ng kliyente nila ang interior at lalo na ang exterior suggestions niya para sa yacht view. Io-offer din kasi ng business na iyon ang yacht rental. “Alright Naomi, today is your day!” ngumiti siya sa nang makuntento sa ayos niya. *****Paglabas ni James sa banyo ay saktong kagigising lang din
Terakhir Diperbarui : 2025-06-06 Baca selengkapnya