Wedding venue?“I wasn’t sure if you would like it, honestly. But considering you’re fond of flowers, naisip ko baka magustuhan mo rin ang garden wedding,” seryoso nyang sagot. Napatingin ako kay Vien, Rika, at Celine.At kaya hindi masabi sa akin ni Celine kung ano ang gagawin nila ni Rika sa strawberry farm ay dahil— alam na nyang venue ito sa kasal ko? Sa kasal namin ni Javi? I didn't even mention it yet! “Sinabi mo sa kapatid ko?” pabulong na tanong ko sa kanya, nangangamba na baka nagkakamali lang ako ng akala. Ngumiti sya at hinarap si Celine. “Who am I in your Ate's life, Celine?”“Ate's boyfriend! Her future husband!” excited na sagot nito, ngiting ngiti at animo'y kinikilig. Nag-angat ng kilay si Javi. “See? The kid knows it already. Hindi mo na kailangan itago sa kanya,” aniya. “Sino ang nagsabi nyan sayo, baby?” Hindi ko pinansin ang sinabi ni Javi at tumingin sa kapatid ko. Nawala ang pagkakangiti nito, medyo nagtaas kasi ang boses ko kaya akala niya ay naiinis ako.
Last Updated : 2025-07-07 Read more