“Bakit? Pakiramdam mo ba.. ibang tao ka? Hindi mo ba na-e-express yung sarili mo?" Umalis ako sa yakap niya at tinukod ang mga braso ko paupo at sumandal sa headboard ng kama. Nag-angat ng tingin si Javi sa akin at nakangiti na gumaya, tinabihan ako. “Hindi naman sa ganon,” tugon niya at kinuha ang kamay ko. Hindi talaga siya mapakali ng hindi ako nahahawakan ano?“O, e, bakit ganoon ang pangarap mo? Bakit gusto mong maging ikaw— paano ba yon? Hindi ko gets,” pag-uusisa ko at hinayaan na siya sa ginagawa. Muli ay tinignan niya ako. “You must have grown up in a good environment, I'm happy for you.”Nagsalubong ang kilay ko. Sinasabi niya ba na.. kaya ko hindi maintindihan ang sinasabi niya ay dahil may kaya ang pamilya ko?Mas mayaman nga sila, a! “Hindi naman pera ang basehan dapat ng pangarap mo, Javi..” bulong ko at naitikom niya ang bibig— nagpipigil ng tawa. Tignan mo ito, kapag kinakausap ng maayos, tatawanan ka? Sinamaan ko siya ng tingin at inalis ang kumot na nakabalo
Terakhir Diperbarui : 2025-06-29 Baca selengkapnya