Umakyat ako sa kwarto ko at huminga. Hindi ako nagmukmok. Hindi ako nagsayang ng oras para sa negatibong emosyon na nararamdaman ko. Dahil alam ko, kapag nagtagumpay kami sa mission na ‘to, magiging maayos na ang lahat. Kahit pansamantala. Nag-impake ako ng mga gamit ko. Iilang damit at sapatos, hindi marami, dahil may kutob ako na ro’n din kami sa Macau bibili ng ibang kagamitan. Nang matapos ako sa pag-iimpake, hinila ko ang maleta ko pababa ng salas. Naroon na silang lahat, maliban sa ibang gwardya ng mansion— kaya’t malayang hindi nakasuot ang maskara ng mga ito. Hinubad ko rin ang akin at lumapit kay Vien. Sa tabi niya ay naroon si Rika, kandong si Celine, na nakatulog na sa pag-iintay. “Kanina ka pa hinahanap, ang sabi ko nagbibihis ka,” sabi ni Rika. Napapalunok akong hinawakan ang kamay ng kapatid ko. Maingat at marahan para hindi ko maistorbo ang tulog niya. Inilapit ko sa pisngi ko ‘yong likod ng palad niya at dinampian ito ng halik. “I’ll come back, Celine..” bul
Последнее обновление : 2025-07-22 Читайте больше