VESPERE SILSIA GREEN - FERREL “Kailangan na natin muna matulog dito bukas na tayo aakyat kasi baka gabihin tayo sa daan..” wika ng aming guide. Nag rent kami ng maliit na kwarto na kasya na kaming lahat. Bali nasa sampu kami, plus apat na guide na taga dito talaga sa Don Marcelino, plano namin aakyat sa Nueva Villa. At doon ang una namin sasadyain matapos aalis upang mamigay ng mga pagkain. Dalawa ang lugar o tatlo din dahil Santa Maria, Nueva Villa at ang Don Marcelino. Ang alam ko halos magkatabi lang ang Nueva Villa at Don Marcelino. Kaya mas maganda na sadyain ito, nakaramdam ako ng pangangati dahil may mga lamok. “Nilalamok ka Miss Green?” Tanong sa akin ng isa mga Guide si Kuya Intoy. Tumango ako. “Opo.. pasensya na po..” pag hingi ko ng pasensya. “Wala po ‘yun, teka sandali baka may mabilhan pa ako ng katol para hindi tayo lamukin..” paalam nito. Kaya naisipan ko sumunod, “Huy huwag ka na sumunod mamaya mabati ka pa ng mga hindi mo nakikita. Tandaan mo probinsya
Dernière mise à jour : 2025-08-10 Read More