DRAVEN HYDER BLEIDON - O’REILLY Nag tago kami ni Kyle, Preston at Jake sa isang puno. Ngunit wala pa akong nakikitang dumating kahit anino ni Flame. “Sigurado ba kayo na dito sila magtatagpo?” Tanong ko sa mga kasama ko. “Opo Sir, yun po ang alam ko..” sagot sa akin ni Jake. “Kung ganun, nasaan na si Flame o si Dad?” Tanong ko at muli kong sinipat ang buong paligid. Ngunit wala talaga kahit ano, kahit sasakyan man lang. Ang nakikita ko lang na sasakyan ay kay Daddy. Hanggang may nakita akong parating, isang mabilis na sasakyan hindi ko gaano maaninag dahil mukhang kulay itim din ang kulay nito. Hanggang tumapat ito sa ilaw. “Si Flame..” wika ni Warren. “Kanya ang sasakyan na ‘yan naging signature niya ang Red and Black na McLaren 720’s na ‘yan..” wika ni Kyle. Tama, palagi ko nakikita ang sasakyan nito sa TV kahit masira ito makakabili ito ng panibago same color parin. Bumaba ito at nag lakad na lang ito ng mag isa. “Wala talaga siyang kasama hindi ba siya natatakot?” T
최신 업데이트 : 2025-10-18 더 보기