DRAVEN HYDER BLEIDON - O’REILLY “Ikaw pa may gana mag sumbong sa Tatay ko ng ginawa mo sa magulang ng asawa ko?” Tanong ko dito at lalo kong diniin sa hita nito ang mainit nitong sigarilyo. “Aaargh! Ha—hayop ka!” Mura sakin nito, inalis ko na ang sigarilyo at tinapon ko ito sa basurahan. “Pasalamat ka binuhay ka pa ni Miss Flame, sa susunod,” putol ko sa sasabihin ko. “Tatapusin na kita,” banta ko dito. Narinig ko itong tumawa, “Tapusin? Hindi ka katulad ng kapatid mo, ang kuya mo matapang ikaw duwag!” Pasigaw nitong sagot. Ngumiti ako, “Natatandaan mo ba ang katulong mo na alam ninyo na nabaril ang sarili ng aksidente?” Tanong ko dito. Natanggal bigla ang ngiti nito. “Buntis siya diba i heard ikaw ang ama nun, kaya ganun ka na lang umiyak ng araw na babril ito, tama ba?” Tanong ko dito. “Ako pumatay sa kanya.. pakilamera kasi, sinabi ko na nga marunong ako gumamit ng baril ayaw parin ako tigilan,” nginisian ko ito. “Alam mo ba sabi ko sa kanya? Anak ‘yan ni Tito Fred
최신 업데이트 : 2025-10-23 더 보기