DRAVEN HYDER BLEIDON - O’REILLY NAKARATING NA KAMI sa sinasabi ni Miss Flame kung saan nakalagay ang kumpanya na sinasabi ni Miss Flame. Napa lunok ako dahil ang laki nito. “Seryoso ka ba na ako ang hahawak nito?” Tanong ko dito pumasok kami sa loob. “Yup, ikakabit ko ang pangalan ng dati ninyong kumpanya sa kumpanya na ito, sa oras na manalo ako sa bidding.” Sagot nito. “Alam na ng mga tao dito na ikaw na ang Boss nila, isa pa nandito ang mga empleyado mo.” Wika nito na kina laki ng mata ko. “Pero hindi ko ito matatanggap, ang magpatayo ng ganito ay hindi lang libre.” Wika ko dito. “Nasa sayo kung babayaran mo basta ako wala akong sisingilin.” Sagot nito at nag lakad ito sa malawak na daan. “Ang laki, hon kung tatanggapin mo ito? Ang ganda ang sarap dito mamahinga ang aliwalas ng paligid.” Wika ng asawa ko hawak hawak ko ang kamay nito. Ngumiti ako at tumango. “Tama ka hindi katulad sa kumpanya dati na parang hindi updated ang design.”sagot ko. “Pero..” putol ko at t
최신 업데이트 : 2025-10-31 더 보기