Kinabukasan, maagang gumising si Anton. He is needed for his work. Dahil siguro sa pag-vacation namin kaya baka marami siyang na-miss.Alas sais pa lang ay gising na kami. Habang naliligo siya, hinanda ko na ang susuotin niya. Nilagay ko iyon sa kama namin.“Pwede na akong full-time wife na lang,” I said, giggling to myself.Bumaling ako sa gawi ng bathroom nang bumukas iyon. Nilahad ko agad ang isusuot ni Anton nang makita kong pupunta pa siya sa walk-in closet.“Hinanda ko na ‘yong isusuot mo,” sabi ko nang nasa tabi ko na siya.Just like the usual, naka-towel lang siya sa bewang. May isang towel na nakalagay sa balikat niya.“You don't have to do this,” aniya.“I know but I want to… kaya wala ka nang choice. Ito na ang isusuot mo.”He chuckled. Wala na siyang reklamo doon. Magaling naman akong mamili ng isusuot niya. I have taste in fashion.For our breakfast, nagpa-deliver kami dahil walang time. Masyado siyang maagang aalis.“Don't forget your phone. I will call you,” bilin niya.
Last Updated : 2025-08-15 Read more