“Zaria, kung nandito ka lang para pag-usapan sila, please umuwi ka na!” suway ni Yana sa akin.“Why not? You are close to them!”Nasa rattan sun lounger na rin ako. Nagpalit na rin ako ng bikini at nakatanaw kami sa beach. It was so peaceful here in their beach house. It’s not entirely private. Sa malayong parte ng dagat, may mga tao doon. Pero dahil malayo itong bahay nila sa kabahayan, hindi umaabot dito ang ingay. May nakaharang din na rock formation dito sa banda nila kaya kung may gusto mang pumunta dito galing sa mga kalapit na bahay, mahaharangan ng rock formation.“Are you seriously asking that? Hindi ka ba nilalapitan ng mga tao para itanong sa’yo si Matteo?” tanong niya. Kinuha niya ang juice niya at saka sumimsim doon.I chuckled. Meron ngang nagtatanong dati, pero dahil ang sama kong tao, inaaway ko ang bawat magtatanong. At kadalasan din naman ng mga nagtatanong sa akin ay mga babae, kaya napapaway ako.“Meron, pero dahil gusto nila si Matteo kaya inaaway ko.”She groaned
Última actualización : 2026-01-15 Leer más