Inayos ni Brianna ang sarili niya, siniguro niyang malinis ang bawat parte ng katawan niya dahil ilang araw na rin siyang hindi naliligo. Nagmake-up na rin siya at nagsuot lang ng simpleng dress. Nang matapos siya ay bumaba na siya ng kwarto niya. Napapangisi naman si Mabel, si Caleb lang pala ang kailangan para mapalabas na ang anak niya sa kwarto nito.“7pm ang start ng meeting ni Caleb, 10pm na ng gabi siya matatapos. Ang kailangan mo lang gawin ay hintayin siyang pumasok sa kwarto mo. Gawin mo na ang gusto mong gawin.” Wika ng kaniyang ina. Hindi naman siya sumagot dahil tumalikod na siya. Napapailing na lang si Mabel dahil tila ba masyadong excited ang anak niya. Alas otso pa lang ng gabi kaya may dalawang oras pa bago matapos si Caleb sa meeting niya.Sinunod ni Brianna ang utos ng kaniyang ina. Nang makarating siya sa hotel ay sinalubong siya ng isang staff.“Miss Brianna, this way please.” Saad nito. Sumunod naman si Brianna sa kaniya. Tahimik silang sumakay ng elevator hangga
Terakhir Diperbarui : 2025-09-16 Baca selengkapnya