Nanahimik na lang si Kirsten. Hindi niya alam kung may mahihintay ba siyang rescue o magising si Arabella sa kabaliwan nito. Walang kasiguraduhan kung hanggang kailan siya makukulong sa isang property na hindi niya alam kung saan. Hindi niya alam kung aabutan pa ba siya ng sikat ng araw bukas. Kahit na kaunti lang ang pag-asa na mahanap siya ng asawa niya, umaasa pa rin siya.“Answer me, Kirsten. Huwag kang manahimik. Ikaw na rin ang nagsabi na pwede ka namang lumayo, maghanap ng ibang lalaki. Ayaw mo bang gawin?” Sambit na naman ni Arabella. “Huwag kang magsa-suggest kung ikaw din ay hindi mo kayang gawin.”“Isang beses ko ng ginawa yun, Arabella. Masakit man sa akin at mahirap tanggapin, pinilit ko ang sarili ko na magmove on at kalimutan silang lahat. Pinili kong lumayo at huwag ng magstay pa sa lalaking hindi na masaya sa piling ko. Sa tingin mo ba magiging masaya si Jasper sayo?” Huminto si Arabella sa harap ni Kirsten. Nagsalubong ang mga mata nilang dalawa.“I can make him happ
Magbasa pa