Pauwi na sana si Kirsten nang bigla siyang harangin ni Jayvie. Napapairap na lang si Kirsten dahil hindi siya tinitigilan nito. Iiwas na lang sana siya pero hinawakan siya ni Jayvie sa kamay. Inis naman inalis yun ni Kirsten.“Ano ba?! Sinabi ko na sayong huwag na huwag mo akong hahawakan, diba?! Nakakadiri ka!” wika niya saka niya kinuha ang alcohol niya at nilagyan ang parteng hinawakan ni Jayvie.“Ayaw mo ba talaga akong kausapin?” mahinahon na saad ni Jayvie.“Hindi mo ba ako titigilan?” may diin namang wika ni Kirsten.“Paniwalaan mo naman ako oh. Hinanap kita, Kirsten, pero dahil iba-ibang bansa ang pinuntahan mo sa mga nakalipas na taon nahirapan akong hanapin ka. Kailan mo ba ako paniniwalaan na hindi talaga kita niloko? Walang nangyari sa amin ni Shaira. Ipin
Terakhir Diperbarui : 2025-09-09 Baca selengkapnya