Pinuntahan ni Mabel si Caleb sa bahay nito. Nasa labas na siya ng bahay nina Caleb. Hinaharangan naman siya ng mga gwardya para hindi siya makapasok.“Caleb Thompson! Lumabas ka diyan, harapin mo ako!” malakas na sigaw ni Mabel.“Ma’am umalis na kayo, walang inaasahan na bisita ngayon si Sir Caleb. Umalis na po kayo dahil kami ang mapapagalita.” Pagsusuway sa kaniya ng gwardya pero hindi nagpapatalo si Mabel.“Caleb Kier Thompson!” malakas na sigaw ni Mabel, gumuguhit na ang mga litid nito sa leeg. Napapakamot na lang sa ulo ang gwardyang sumusuway sa kaniya. Sa lakas ng boses ni Mabel ay narinig yun ni Caleb kaya lumabas siya. Kunot noo niyang tiningnan kung sino ang nasa labas ng gate niya.“Sino ba yang maingay diyan? Hindi ba at sinabi kong wala kayong papapasukin?” seryosong wika ni Caleb.“Pasensya na po sir, kanina pa namin siya pinapaalis pero ayaw niyang umalis.” Sagot ng gwardya.“Hindi mo ako nakikilala o nagpapanggap ka lang na hindi ako kilala pagkatapos mong gamitin ang
Terakhir Diperbarui : 2025-09-22 Baca selengkapnya