MARGARITA "Parang ang tamlay mo ng alaga ko? Kulang ba talaga sa tulog o kulang sa yugyog?" "Coffee please?" "Ayan tayo e! Nakatikim lang ng isa—gusto nang ulit-ulitin na!" "Beka, 'pinagsasabi mo?" Tumabi si Beka sakin sabay sindot sa aking tagiliran. "Mesherep?" Nanlaki ang mga matang bumaling sa kanya. "Beka!" "Nakow! 'Yang mga ngiti na 'yan alam na alam ko na 'yan! Naku, Marga, ha?! Sinasabi ko sa'yo!" Umiling ako. "Beka, wala lang 'yon, okay? Saka, pwede ba pakainin mo muna ako? Late na tayo sa totoo lang," Hindi kaagad kumilos si Beka. Tinatansya niya parin ako ng tingin. "Masarap lang 'yan sa simula Marga, at sa huli iiyak ka, sinasabi ko sa'yo! Kaya ngayon palang tigilan mo na 'yan!" "Beka!" "Hindi iyan pambabanta Marga, warning iyan, warning." Tahimik lang ako sa byahe hanggang sa makarating kami ng Laguna. Minsan ay kinakausap din ako ng ibang kasama ko, at tipid rin ang sagot ko. "This place is perfect for our photoshoots later." Ani ng photographer na si Mar
Last Updated : 2025-07-07 Read more