"Third anniversary?" nagtataka kong tanong habang nakatingin kay Lloyd. Hindi siya makatingin nang diretso sa 'kin. Kahit si Torrie, mukhang hindi makapaniwala sa sinabi ng malanding Abigail na 'to. "Care to explain?" tanong ko ulit. Sa puntong ito, si Lloyd na angn tinatanong ko. "Uhmm... y-yeah, Oprah, we've been together for three years," pagtatapat ni Lloyd saka ako sinulyapan. Bakas sa mukha niya na nahihiya siya sa 'kin. "So, two timer ka? Ginawa mo 'kong ano? Side chick mo?" naiinis kong tanong sa kaniya. "Oprah, hinaan mo naman. Nakakahiya. Ang daming tao," bulong ni Torrie sa 'kin dahil napalakas ang boses ko. "H-Hindi naman sa gano'n. Minahal kita, Oprah. Maniwala ka, pero—" "Pero ano? Gago ka e, 'no? Kayo na pala ng babaeng 'yan pero niligawan mo pa rin ako. Sa 'yo ko binigay lahat ng una ko, Lloyd. Manggagamit ka! Manggagamit!" Umalingawngaw ang boses ko sa galit kaya maraming tao ang nagtinginan sa 'min. "H'wag mo ngang sigawan ang boyfriend ko," sabat naman ng Ab
Last Updated : 2025-07-02 Read more