"Bakit hindi mo naman kinukwento sa 'kin? Naglilihim ka na, Torrie," saad ni Oprah sa kaibigan. "Nand'yan ba si Steve?" tanong pa niya."Oo, nandito. Tulog na tulog sa kama. Nasa balcony ako. Tsaka... Hindi naman, gusto ko lang muna kasi ma-make sure e kung tama lang ba na paghinalaan ko siya. Pero ngayon, talagang iba na ang pakiramdam ko e. Ano kaya ang gagawin ko?" tanong ni Torrie kay Oprah."Ehh... E 'di alamin mo muna. Mahirap naman kasi kung nagbibintang ka or naghihinala ka ng wala namang ebidensya, 'di ba? Make sure na makakakuha ka ng ebidensya para kapag totoo ngang may tinatago siya sa 'yo or nagloloko, may proweba ka," paliwanag ni Oprah. Narinig na lang niya sa kabilang linya ang malalim na paghinga ni Torrie."A-Alam mo ba? May gusto rin akong sabihin e," pagpapauna ni Oprah at saka huminga nang malalim. Kung tutuusin ay ayaw niyang sabihin kay Torrie ang nangyayari sa kaniya ngayon dahil 'yon din ang bilin ni Garrett, ngunit sa isip-isip niya ay matagal niya na itong k
Terakhir Diperbarui : 2025-07-08 Baca selengkapnya