"H'wag mo ng ikahiya sa 'kin. Sinabi na rin naman niya na ikaw ang priority niya ngayon e," sabi pa ni Criselda kay Oprah."Ahh... Ehh... O-Oo, boyfriend ko si G-Garrett," tugon ni Oprah dito. Ngumiti naman si Criselda kahit bakas doon ang sakit at bigat sa dibdib."Hmm... Alam kong alam mo kung ano ang buo niyang pagkatao, pero sa kabila no'n, hindi pa rin maaalis sa kaniya kung gaano siya kabuti. Ilang beses na niya akong niligtas sa kapahamakan gaya ng nangyari sa inyo. Kaya hindi ko maiwasang hindi mapaibig sa kaniya," paliwanag ni Criselda, samantalang si Oprah ay patuloy lamang sa pakikinig dito.Naglakad si Criselda patungo sa bintana at sumilip. Tahimik ang paligid kahit na may ilang naglalakad-lakad sa kalsada."Ikaw na ang bahala kay Garrett. Sana, mahalin mo siya ng higit pa sa pagmamahal ko... K-Kahit masakit," dugtong pa ni Criselda. Tila nakaramdam ng kung anong bigat sa dibdib si Oprah dahil sa sinabi niyang 'yon.Una, si Veeya. Pangalawa, itong si Criselda.Sa kanila n
Huling Na-update : 2025-07-19 Magbasa pa