Kinagabihan, mag-isang naghain ng pagkain si Oprah at kumain na mag-isa sa dining area. Nakakabingi ang tahimik ng buong paligid. Hindi pa niya pababalikin ang mga empleyado niya sa ngayon dahil hindi pa naman safe ang lahat.Natutulala na lang si Oprah sa isang direksyon habang dahan-dahang nginunguya ang pagkain. Kaunti na lang ang hinanda niyang pagkain pero para nahihirapan pa siya itong lunukin at ubusin.Nagising na lang ang diwa niya nang biglang mag-ring ang phone niya. Si Garrett, tumatawag sa kaniya."Hello?" bungad ng dalaga pagkasagot niya nito."I'll be there after thirty minutes," pahayag lamang ni Garrett."H-Huh? Bakit? Anong meron? May problema na naman ba?" mga tanong ni Oprah sa biglang kabang naramdaman."I want to check if you're okay."Hindi kaagad nakaimik si Oprah sa sagot na 'yon ni Garrett."Hindi naman na kailangan, Garrett. Baka--""Fourth rule; no buts, no hesitations, no excuses, and no explanations," singit bigla ni Garrett. Hindi ulit nakaimik si Oprah
Last Updated : 2025-07-10 Read more