TBBNHW 14Nanatiling tahimik si Thomas habang pinoproseso ng kanyang utak ang sinabi ni Zeus. Ilang sandali pa'y marahan siyang tumango. "Okay. No problem. Magpatawag tayo ng judge ngayon-ngayon din.""I know someone reliable. Ako na ang magtatawag," singit ni Don Gaston.Kabadong napalingon si Psyche kay Zeus. Hindi niya alam kung ano ang tinatakbo ng utak nito pero iisa lang ang naiisip niyang paraan para klaruhin ang lahat sa lalaki."Gusto ko pong makausap si Zeus, Dad," buong tapang niyang pahayag sa kabila ng pangangatog ng kanyang mga tuhod."What for?" Anito habang makulimlim na nakatitig sa kanya.Marahan namang hinaplos ni Perisha ang braso ng sariling asawa. "Hayaan mo na muna silang dalawa na makapag-usap tutal ikakasal narin naman sila," mahinahon niyang wika.Tumikhim si Thomas at napilitan na tumango. "We'll be there at the kitchen. Don't make any unnecessary decisions, Psyche, Zeus," mahigpit nitong bilin bago nauna ng tumayo.Ilang sandali pa'y silang dalawa nalang a
Last Updated : 2026-01-12 Read more