“For you,” Narinig ni Naila ng sabihin iyon ni Ash habang kausap nito ang pinakabatang kapatid niya, si Hanni. Napansin kasi niya na kanina pa nag-uusap ang mga ito ng pagdiskitahan ng kapatid niya ang suot na bracelet nito. Madaling ma-amaze ito sa mga ganoong bagay dahil hindi naman laging nakakakita ng mga ganoon ito. “Talaga po, kuya?” masayang sabi ni Hanni. “Yes… kuya will give this to you.” Sagot ni Ashton sa kapatid niya. Nakita niyang hinubad nito ang bracelet at isusuot sa kapatid niya. “Pero, kuya… napakamahal niyan. Sa iyo iyan eh.” Inilayo nito ang kamay ni Ash. “Hindi na po. Nagagandahan lang po ako, Kuya. Promise!” itinaas pa nito ang kanang kamay nito na tanda ng pagsasabi ng totoo. Ngumiti si Ash habang isinusuot na nito ang bracelet sa kapatid niya. “Magagalit si Kuya kung hindi mo tatanggapin ito.” Tinitigan nito ang kapatid niya. “Gusto mo bang magalit si Kuya?” Umiling si Hanni. “Thank you po, K
Terakhir Diperbarui : 2025-07-15 Baca selengkapnya