“Shania,” bati ni Ashton kay Shania na ngayon ay nasa entrance na ng café. Pumasok ito at agad na yumakap sa kanya. Bumeso din ito. They started catching up as if they haven’t seen each other for a long time. Pero halos isang buwan lang naman silang hindi nagkita nito dahil umuwi siya ng Pilipinas habang ito ay busy sa pagmama-manage sa negosyo ng pamilya nito. He wants to introduce her to Naila, but he thought Naila isn’t ready. Nang lingunin kasi niya ito sa counter kung saan ito nakatayo ay wala na ito. Sigurado siya na nagtatago ito doon. Which he found it very cute. And he knew exactly why. Iniisip pa din nito na kasal siya kay Shania. Na hindi na niya gaanong napagtuunan ng pansin dahil ang cute nitong magselos at dahil na rin siguro na parang ang ikli ng oras tuwing nandyan ito. Hindi niya ma-open ang topic na wala siyang asawa. Katulad ngayon, hindi pa man sila nakakapag-usap ng mahaba-haba ay parang mabibitin na naman dahil sa pagdating ni Shania.
Terakhir Diperbarui : 2025-09-02 Baca selengkapnya