Nagising ako sa katahimikan. Walang umiiyak. Walang maliit na kamay na humihila sa kumot ko. Bigla akong kinabahan. Naalala ang panganib sa buhay namin sa oras at lugar na ito. "Andra?" mahina kong tawag habang tumingin ako sa tabi ko. Wala siya. Agad akong bumangon, bumaba ng kwarto. Pero napatigil ako nang makarinig ako ng mahina, pamilyar na tawa—boses Tahimik akong lumapit sa may pinto ng sala. Bahagyang nakaawang ito kaya kita ko ang loob. Nandoon si Alejandro. Nakaupo siya sa sahig, nakasandal sa sofa, habang nasa kandungan niya si Andra—nakasuot ng maliit na pink pajama, buhol-buhol ang buhok, at may hawak na maliit na stuffed bunny. "Hi..." mahina pero masaya ang boses ng anak ko habang hawak-hawak ang ilong ni Alejandro. "Ow," natawa siya. "That’s my nose, sweetheart." Tumingin lang si Andra sa kanya, saka ngumiti ng bungisngis. "Papa," bulong niya. Nanlaki ang mata ko sa gulat, i never teach her that. Isa pa, isang araw pa lamang namin nakakasama si Alej
Last Updated : 2025-08-03 Read more