BROKEN LOVE C25 3RD POV “Ang sama mo talagang babae ka!” Galit na sigaw ng matanda, kaya napalingon siya ito. “Narinig niyo ba ang sinabi niya sa bata?” Muling wika nito, habang tiningnan nito ang mga katulong na kasama nito. “Wala akong ginawang masama, at kung nasabi man ‘yon ni Vanz, dapat lang naman siguro niyang gawin ‘yon.” Sagot niya rito, habang gulat itong napatingin sa kanya. “Talagang inaamin mo pa ang maling tinuturo mo sa Apo ko?” “Hindi mali ang sinabi niya, tama lang na isipin niya ‘yon, dahil sa maling ginawa ng babaeng ‘yon sa kanya.” Sagot niya, habang na-patingin kay Vanz. Alam niyang mali ang iniisip nito, pero ayaw niyang magpapatalo sa lola nito. “Walang hiya ka talagang babae ka! Manang-mana ka talaga sa pamilya mo!” Napa-kunot ang kanyang noo, dahil sa narinig niya mula rito. “Natural lang naman siguro na sa kanila ako magmana.” Sagot niya, habang nakita ang pamumula ng mukha nito. “Alam niyo Lola, kahit ano ang gawin niyo, hindi niyo ako mapapa-alis d
Last Updated : 2025-10-07 Read more