BROKEN LOVE4 C9 3RD POV “Ate, ayokong gawin ‘yon, dahil nasaktan ko na siya noon. Ako rin ang nagtulak sa kanya, para lumayo sa akin.” Wika niya rito. “Hahayaan mo nalang bang masaktan ka ng ganito?” Napangiti siya, dahil sa sinabi nito sa kanya. “Tama lang na nangyari ‘to Ate, dahil kasalanan ko ‘to, ‘wag mo na akong alalahanin Ate, ayos lang ako.” Sagot niya rito, kaya mahigpit siya nitong niyakap. “Kapag nagbago na ang isip mo, nandito lang si Ate, handa kitang tulungan.” Wika nito at binitawan siya. Malawak naman siyang napangiti rito at tumango. Nang makalabas ang kapatid niya, ay na-patingin siya sa kanyang phone, nang tumunog ito. Nang makita niya ang pangalan ng kanyang kapatid, ay agad niyang sinagot ang tawag nito. “Ayos na.” Wika nito, matapos niyang sagutin ang tawag. “Anong ayos na? Ano ang ginawa mo sa kanila?” Tanong niya, habang narinig niya ang ngiti nito. “Basta, ‘wag ka nang mag-alala, dahil hindi kana nila babalikan.” Napangiti siya, dahil sa narinig niya
Last Updated : 2025-10-14 Read more