Totoong napangiti si Faredah sa ginang. "Huwag niyo na lang po ulitin ang ginawa ninyo sa akin sa future manugang ninyo."Nahihiyang tumango si Dulcy."Tanggapin niyo na po ito, kahit para kay Lola." Pilit niyang inilagay sa palad ng ginang ang card. "Huwag kang mag alala at walang ibang makakaalam."Napatingin si Dulcy sa card at for the first time ay ayaw niya ng perang bigay."Kapag hindi niyo po iyan tinanggap ay hindi ko pakiusap ang kapatid ko na ibalik sa trabaho si Denis."Biglang nanlaki ang mga mata ni Dulcy at kahit papaano ay natuwa. Isa sa dahilan kung bakit siya naroon upang pakiusapan ang dalaga na huwag alisin sa trabaho ang anak niya, kahit hindi na magkabalikan ang mga ito. "Are you sure, hija? Hindi mo na aalisin sa trabaho si Denis?"Tumango si Faredah. "Ipangako niya lang na hindi na ako gugulohin pa lalo na ang mapapangasawa ko."Oo, hija, pagsabihan ko siya! Maraming salamat at pangako, magpakabait na rin ako!" Pagkasabi niyon ay nagmamadali nang umalis si Dulcy
Last Updated : 2025-09-19 Read more