LOGINFaredah is one of the granddaughters of the most powerful business tycoon. Pero kilala siya bilang simpleng tao lamang. Kailangan niyang magsinungaling upang maipaglaban sa pamilya ang lalaking mahal. Ngunit susubukin ng tadhana ang relasyong pilit niyang hinihubog na maging perfect sa mga mata ng pamilya. He cheated her, and so she retaliated. She's not a daughter of a billionaire for nothing. He used another woman to succeed while Faredah used another man and pampered him. No one knows who owns her heart at the end.
View More"Nakita ko kanina na kausap niya si Kuya Zandro." Si Sarah na ang sumagot sa babae. Umangat ang isang sulok ng labi niya at naaasar na sinundan ng tingin ang babae na basta lang tumalikod. Ni hindi manlang nag pasalamat kaya hindi niya masisi ang iba pang pinsan kung bakit ayaw sa babae na maging asawa ni Terence. Mabilis na pinigilan ni Akira ang babae bago pa ito nakalayo. "Ate, sandali!""May kailangan ka?" Nakangiting tanong ni Cynthia sa dalagita."Kilala mo ba yung nakasalo ng bouquet kanina?" Biglang nabura ang ngiti sa labi ni Cynthia at umiwas ng tingin kay Akira. "No!" Matigas niyang tanggi, ayaw niyang sabihin ang totoo at baka magkahinala pa ito na dating nobya ng kapatid nito si Charlene. Ayaw niyang makipag lapit ang dalagita kay Charlene at malaman ang katotohanan.Nagkibit balikat si Akira at hindi na nagtanong pang muli. Pero alam niyang nagsisinungaling ang babae. "Tara na at gusto ko pa ng cake." Aya ni Sarah sa pinsan nang wala na si Cynthia. "Tsk, takaw mo sa
Naalala ko na kung saan ko siya unang nakita!" Masayang turan ni Akira. Naalala niyang may babaeng mahal ang kapatid noon. Siya lang ang nakakaalam ng tungkol doon dahil hindi niya tinigilan ang kapatid hangga't hindi sinasabi sa kaniya kung sino ang babaeng nakita niyang kasama nito sa wallpaper ng cellphone nito. Ang alam niya ay nangako pa siya sa kapatid noon na walang ibang makakaalam muna tungkol sa nobya nito. Ayaw ni Terence na malaman ng parents nila dahil tiyak na pilitin itong ipakilala sa kanila ang babae. Ayaw ng kapatid noon na ipakilala pa dahil bago lang na sinagot saka hindi pa alam umano ang tunay nitong estado sa buhay. Hindi niya alam kung ano ang nangyari at nagkahiwalay ang dalawa noon. 18 lang noon ang kapatid at ang alam niya ay unang babae iyon na naging nobya o sineryuso. Puro fling lang kasi ang mga nauna at napapagaya sa mga kaibigang babaero. "Saan?" Nagkaroon na rin ng interest si Sarah sa kung ano ang pinagkakaabalahan ng isip ng pinsan.Halos idikit n
"Akira, what are you doing here?" sita ni Terence sa kapatid.Nakangiting nilingon ni Akira ang kapatid. "Kuya, gusto kong makilala ang maging bride mo and she looks familiar po." Makwelang tugon ng dalagita sa kapatid."Tsk, puro ka kalokohan, empleyada siya sa kompanya at nakikita mo noong magpasukat kayo ng gown kaya she looks familiar. Isa pa ay huwag kang mag biro about fiancee at alam mong selosa si ate mo Cynthia." Sermon ni Terence sa kapatid."Excuse me po, ma'am, sir." Yumukod si Charlene saka nagmamadaling umalis na sa harapan ng dalawa. Bukod kasi sa naiilang siya sa kapatid ni Terence ay obvious na ayaw nitong mapalapit siya sa babae. Iniisip na naman siguro na gumagawa siya ng way upang mapalapit sa pamilya nito at gagamitin niya si Akira. Tama lang din pala na nakipag hiwalay siya sa binata noon. Hindi siya nababagay sa binata lalo na sa sitwasyon niya ngayon. Pangit nga lang talaga ng ginawa niyang pakipag hiwalay dito noon. "Tama lang ang ginawa mo, sinungaling din
"Argh, nasasakal mo ako!" reklamo ni Charlene dahil sa leeg niya yumakap si Jude."Ay sorry!" Nangingiting ani Jude saka inayos ang buhok ng kaibigan saka tiningnan ang leeg kaya bahagyan yumuko si Jude at mukhang humahalik kung tingnan."Yuck, oras ng trabaho pero naglalampungan at sa public pa!" Mukhang nasusuka na ani Lucy.Pumalatak si Charlene at hindi pinansin ang maruming iniisip ng kasama. Sa lahat kasi ay kay Jude lang siya close dahil nagakakasundo sila sa palitan ng idea. Sa kaniya lang din ito komportable magpakita ng tunay na kulay ng pagkalalaki nito."Selos ka naman agad." Tukso ni Jude kay Lucy at pinatigas pa ang boses."Huh, hindi ka guwapo para pagpantasyahan ko!" Mataray na ani Lucy."Ang arte, pasalamat ka at napapansin pa kita. Laki ng inggit mo kay Charlene, for sure lalo kang nainggit nang siya ang naka salo sa bouquet." Pang asar ni Jude sa babae."Excuse me, hindi kasing kapal ng mukha niya ang maganda kong face dahil nasa paligid lang ang fiancee ni sir." "






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviewsMore