MATAPOS ang halos isa’t kalahating oras ay kumalma ‘din si Tiffany. “Are you okay now?” tanong ni Seth matapos niya itong painumin ng tubig. “Yes, thank you Seth.” Ngiting pilit na sabi ni Tiffany sa kaniya. “I’m happy to know that I am the real father of the twins,” hindi na napigilan ni Seth ang sarili niya na sabihin iyon kay Tiffany. Napatingin naman sa kaniya ang babae. “Hindi ba sinabi ko sa’yo na handa akong magpaka ama sa kanila? Naisip ko minsan sana ako nalang nga talaga ang ama ng kambal. Tignan mo nga naman, ako nga.” Natawa ng bahagya si Seth sa huling sinabi niyang iyon. “M-maging ako hindi makapaniwala sa katotohanang iyon…” mahinang sabi ni Tiffany. “Kung hindi ko pa makikita si Rhian at sabihin sakin ang totoo hindi ko malalaman,” “Nabanggit mo nga siya kanina. Paano mo siya nakita?” “Kumakain ako sa isang korean restaurant tapos nakita niya ako. Akala niya ‘daw alam ko na ang totoo dahil dun sa picture natin tatlo ni Thalia noon na kumalat tapos pinabura mo.
Terakhir Diperbarui : 2025-07-20 Baca selengkapnya