“TIFF, kamusta ang paghahanap kay Thalia?” Napalingon si Tiffany kay Leona ng magtanong ito sa kaniya. Naroroon kasi sila sa bahay nila Seth dahil maging ang tauhan na kinuha ng daddy ni Seth naghahanap na ‘rin sa kaniyang anak. Nakikibalita dila roon kaya siya nakila Seth. Ilang araw na ang lumipas, mag birthday na nga lang si Yuan hindi pa ‘rin nila nakikita si Thalia. “Eto, wala pa ‘rin.” Malungkot na sabi ni Tiffany. “Wag kang mawalan ng pag asa. Siguradong makikita niyo ‘rin ang pamangkin ko,”Ngumiti si Tiffany at nagpasalamat sa kaibigan. “Oo nga pala, kailan ka aamin sa kambal mo ha? Birthday na ni Yuan sa isang araw,” Napangiti ng alanganin si Leona dahil sa sinabing iyon ni Tiffany. “Nung minsan tinanong ko siya kung paano pag aamin ako sa kaniya na buntis ako. Sabi niya matutuwa ‘daw siya dahil blessing ‘daw ang baby.” Gulat na napatingin si Leona kay Tiffany at hindi napigilan ang pag tawa. “Bakit?” taas kilay na sabi ni Tiffany. “Pfftt! Tinanong mo talaga ‘yan
Terakhir Diperbarui : 2025-07-21 Baca selengkapnya