*FLASHBACK* NAGTATRABAHO si Paolo sa kaniyang table ng biglang may dumating. Magandang babae ito, maputi, matangos ilong kulot ang buhok ngunit hindi ganon katangkaran. Ngumiti siya dito para mag tanong kung ano ang kailangan nito sa kaniya. “Yes ma’am, what can I do for you?” “Nandito ba si Seth Fleur?” seryosong tanong nito na ikinatango naman ni Paolo. “Yes ma’am , do you have reservation? I’m sorry but you cannot meet him unless you have a schedule with him. He has a lot of work to do,” “I don’t need that. Gusto kong malaman niya na kasama ko ang anak namin,” “I’m sorry? Did I hear it right?” hindi makapaniwalang tanong ni Paolo sa kaharap na babae. “You heard me. I said kasama ko ang anak naming dalawa, si George.” Tumingin si Georgia sa may ibaba niya kung kaya napatayo si Paolo at tumingin mula sa kaniyang table at doon nakita niya ang isang batang lalaki. Ngumiti ito ng malaki sa kaniya ng makita siya at kumaway pa sa kaniya. “Hi po!” Napakurap nalamang si Paolo at h
Terakhir Diperbarui : 2025-07-29 Baca selengkapnya