NAPAILING siya at nagsalita, “Promise hindi na ito nakakasama sa ibang tao,”Napabuntong hininga ang kaniyang ama dahil sa sinabi niyang iyon. “Sorry anak, akala ko kasi kung ano nanaman. Pero ano ba ‘yun?” “Gusto ko po sana sa ibang bansa na tumira para malayo na ako dito. Hindi sa gusto ko kayong iwanan pero gusto ko mag start ng fresh at walang kasalanan. Yung I can freely live daddy. Alam kong kaya niyo na dito, dalawin niyo nalang ako doon,” Nagkatinginan ang tatlo dahil sa sinabing iyon nagkatinginan silang tatlo. Hindi na pala sila mahihirapan sabihin dito ang kanilang plano dahil ito na mismo ang nag request sa kanila. “’Yun nga sana ang balak namin ate, ang ipadala ka sa ibang bansa.”“Ayun naman pala e, edi wala tayong problema!” malaking ngiti na sabi ni Aurelia. “Peroo gusto ko sanang humingi ng tawad kila Tiffany bago ako umalis,” “No anak,” napatingin ang dalaga sa ama ng sabihin niya ito. “Masyadong malaki ang kasalanan mo sa kanila para mapatawad ka nila agad agad.
Last Updated : 2025-07-29 Read more