“Hi guys! Sigurado ako na kapag nabasa niyo ‘to wala na ako dito. Gusto kong mag sorry dahil umalis kami ng anak ko. Masyadong mahirap tanggapin na nawawala ang isa sa mga anak ko. Sila na ang buhay ko, alam mo ‘yan Jess kaya hindi ko kaya na maging si Timothy ay mawala. Gusto ko munang palipasin ang lahat at tanggapin ang nangyari. Hindi ko alam kung babalik pa kami o hindi na. Sana respetuhin niyo ang naging desisyon ko. Jess, ayokong masira ang naging pangarap mo at maging makasarili. Hindi kita kaya isama at sabihin sa’yo na kalimutan ang lahat lahat Jess. Patawarin mo ako at iniwan ka namin. Darating ang araw na magkakasama tayo ulit Jess. Seth, I know you can’t accept the fact at ako na ang kusang lalayo. Walang kasalanan ang mga anak ko sa nangyari pero bakit parang sila ang pinaparasuhan? Pwede naman ako nalang, tatanggapin ko lahat. Hindi ko kayang makita silang nasasaktan, nahihirapan at ganitong kulang. I was happy to be with you Seth. Thank you. Again, I’m sorry guys.
Last Updated : 2025-07-14 Read more