PAGKAUWI ni Seth sa kaniyang bahay, pagkabukas na pagkabukas niya ng ilaw sa kaniyang kwerto, nakita niya ang ama na naroroon nakaupo at tila inaantay siya. Nagulat man ngunit wala ng magagawa si Seth. Iyon ang pangalawang beses na nagpunta doon ang ama dahil ang una ng mawala ang kaniyang anak. “Why are you here dad,” plain na sabi nito at ibinaba ang gamit sa table niya pagkatapos ay dumeretsyo sa walk in closet nito. “I’m here to talk about you and Aurelia,” Napahinto sandali si Seth ng marinig iyon. Inaasahan na niya ang ganong usapan dahil kilala niya ang babae, wala itong ibang lalapitan kundi ang ama lamang dahil alam niyang takot siya dito. “Kung ipipilit niyo saakin si Aurelia tigilan niyo na dad, hindi ko na kayang magtagal sa isang babaeng cheater at pabaya sa sariling anak.” Pagkasabi niya nun ay hindi na muling nagsalita ang ama. Hinayaan niya lang ito at nag bihis siya, wala siyang panahon para pag usapan ang mga walang kwentang bagay. Nang matapos siya sa pagbibi
Last Updated : 2025-07-12 Read more