Hawak kamay kaming naglalakad ni Isaac sa gitna ng napakaraming tao. Tanghali na nang napagdesisyunan naming lumabas para mamili ng souvenirs—pang-regalo sa pamilya, sa ilang kaibigan, at siyempre… para sa amin din. Para may alaala.Mainit ang sikat ng araw pero malamig ang simoy ng hangin. Kontra sa init sa Pilipinas, dito parang kahit maghapon kang maglakad, hindi ka pawisan.Habang naglalakad, napansin kong madalas kaming tingnan ng mga tao. Lalo na ‘yung matatanda, para bang ini-scan kami mula ulo hanggang paa. Pero hindi ako nainis, mas naging curious ako.“Do you want to eat ramen?” tanong ni Isaac habang nakatingin sa kaliwa’t kanan, tila ba may hinahanap.“Kakain na lang siguro sa hotel. Hindi ako sanay sa maraming tao,” sagot ko habang pinagmamasdan ang paligid—ang mga taong busy sa kani-kanilang buhay, sa kani-kanilang chismisan.Napansin ko, bihira akong makakita ng mga bata. Halos lahat ay may edad na. Bigla kong naalala ang nabasa ko—na sa Japan, mas marami na raw ang mat
Terakhir Diperbarui : 2025-07-25 Baca selengkapnya