Tahimik sa loob ng kwarto. Ang tanging naririnig ko lang ay ang marahang hinga ni Azaira habang mahimbing siyang natutulog sa kama sa guest room namin. Kael insisted she stay close after the attack. Hindi niya ako mapayagang malayo sa kanya. I stood by the window, arms wrapped around myself. Ang gabi ay parang alon—malamig, madilim, puno ng tanong. Kael entered quietly, dala ang dalawang tasa ng tsaa. Inabot niya ang isa sa akin. “Chamomile,” sabi niya. “Pampakalma.” “Thank you,” bulong ko, hindi pa rin tumitingin sa kanya. Tahimik kami pareho. Pero hindi ito 'yung komportableng katahimikan na sanay na ako sa kanya. This one was heavy. Laced with a truth too painful to ignore. “Gusto mong malaman kung anong alam ko, ‘di ba?” bulong ni Kael, his voice low, husky, almost dangerous. Tumango ako, hindi lumilingon. “Then come with me,” he said.
Last Updated : 2025-07-08 Read more