Nang umagang iyon, nakaupo si Nico sa sala habang nakalagay sa tabi niya ang kanyang maleta. Tapos na ang lahat ng paghahanda. Kagabi ay napirmahan na niya ang mga papeles ng diborsyo, at hinihintay na lamang ang lagda ni Celine. Mabigat pa rin ang kanyang dibdib, ngunit alam niyang ito ang pinakamabuting pasya—para sa kanya, para kay Celine, at marahil para kay Calvin din.Bumaba si Celine mula sa hagdan, walang anumang ekspresyon sa mukha. Nakasout siya ng paborito niyang pang-opisina—elegante ngunit malamig ang dating. Mabagal siyang lumapit kay Nico, iwas ang mga mata rito. Nasa likuran niya si Calvin, litong-lito at malungkot ang itsura.Tumayo si Nico, pinilit ngumiti kahit ramdam ang matinding sakit sa dibdib. “Celine,” mahinahon niyang tawag habang iniaabot ang hawak na dokumento. “Ito na ang mga papeles. Kailangan mo na lang pirmahan. Pagkatapos niyon, tapos na ang lahat.”Tahimik na tinanggap ni Celine ang dokumento. Nakatungo lamang siya, nakatitig sa puting papel na nagsas
Last Updated : 2025-08-25 Read more