“Mommy, look!” sigaw ng bata, pinapakita kung paano niya naiikot ang bola gamit ang paa. Napangiti si Selene—ang ngiti na parang bumabalik sa kanya ang bawat piraso ng saya na matagal na niyang inakalang nawala.“Wow! Marunong ka na pala mag-football, ha?” biro niya, napatingin sa anak na parang nakikita si Levi noong bata pa. Parehong-pareho ang ngiti, parehong-pareho ang tapang sa mata.“Daddy taught me!” masiglang sagot ni Kiel, sabay kindat. “Sabi ni Daddy, dapat daw matapang ako kasi lalaki ako!”“Ah ganun ba?” natawa si Selene, lumuhod at inayos ang buhok ng bata. “Basta mag-ingat ka ha, wag masyadong lumayo.”“Opo, Mommy!”Habang si Kiel ay patuloy sa paglalaro, lumapit naman si Criselda, dala-dala ang isang tray ng mga dessert. “Naku, Selene! Ang cute talaga ng anak mo, parang laruan!”Ngumiti lang si Selene, bagama’t halatang pilit. Alam niyang likas na malambing si Criselda kapag may ibang tao, pero iba kapag silang dalawa lang.“Salamat, Tita,” sagot niya, tumayo mula sa pa
ปรับปรุงล่าสุด : 2025-10-31 อ่านเพิ่มเติม