Nag-freeze si Levi at Selene habang nakatingin sa anak na nakapameywang pa sa harap ni Levi.“Huh Daddy?Why did you make my mommy cry po? I thought you love us,” ulit pa ng bata.Mabilis na lumapit si Selene, halatang gulat at nahihiya. “Baby, hey, hindi gano’n. Don’t say that to Daddy.” Marahang hinawakan niya ang balikat ni Kiel at lumuhod para magkaharap sila.Ayaw niya namang mahtanim ng sama ng loob ang anak kay Levi. Problema lang nila ito at hindi na dapat pang madamay si Kiel. Gusto ni Selene na maging role model si Levi para kay Kiel.“But Mommy’s eyes were red, Mommy cried! And Daddy, you didn’t check on her… I thought you love us?”Napatingin si Levi kay Selene, halatang nahiya sa sinabi ng anak. Hindi siya nakapagsalita agad pero agad niyang lumuhod para pareho silang ka-level ni Kiel.“Kiel,” malumanay niyang simula, “Daddy didn’t mean to make Mommy sad. I promise you, hindi ko sinasadya. We were just talking about something important. Hindi kami nag-away. Okay?”Pero umi
Last Updated : 2025-11-23 Read more