“Alright, Kiel. Everything’s set,” sabi niya habang inaayos ang buhok ng anak. “Excited ka na?”“Super po, Mommy!” sagot ni Kiel na nakangiti hanggang tenga. “Saan po ba tayo pupunta ulit?”“Secret,” sabi ni Selene, kunwaring misteryoso habang kinikindatan ang anak. “Pero may surprise ka doon.”Naglakad siya papunta sa pintuan kung saan naghihintay si Aria, Zefron, at Zia. Si Aria ay naka-simple na floral dress, habang si Zefron naman ay naka-casual polo shirt na malinis, relaxed ang itsura, pero halata pa rin ang karisma ng doktor. Si Zia, tulad ni Kiel, ay may dalang maliit na bag, parang ayaw pa sanang iwan ang pinsan.“Ready na ba kayo?” tanong ni Aria habang inaabot kay Selene ang maliit na eco bag na may laman pang dagdag snacks. “Baka magutom ‘yung dalawa.”“Grabe ka, Aria,” natatawang sagot ni Selene. “Puno na ‘yung bag ko.”“Eh di mas mabuti na ‘yung sobra kaysa kulang,” sagot ni Aria sabay ngiti. “Tsaka sino ba naman ang tatanggi sa snacks?”Natawa si Zefron habang isinasara
ปรับปรุงล่าสุด : 2025-10-31 อ่านเพิ่มเติม