Pagdating nila sa park, bumaba agad si Kiel at hindi na mapigilan ang sarili sa sobrang tuwa. “Wow! Ang laki! Mommy, Daddy, let’s play!”Napangiti si Levi at agad na kinuha ang bola na dala nila at hinagis sa anak. “Catch, champ!”“Got it!” sigaw ni Kiel at tumakbo nang mabilis at muntik pang matisod pero maagap si Selene at agad siyang tinulungan .“Careful, baby!” sabi ni Selene habang hawak ang kamay ng bata.“Sorry, Mommy,” ngumiti si Kiel, “I just got excited.”Habang pinagmamasdan sila ni Levi, napangiti siya nang hindi sinasadya. Ang mag-ina niya. Parang lahat ng bigat sa mundo ay nawawala tuwing magkasama sila.Pagkatapos maglaro ng bola, pumunta sila sa may picnic area. Si Levi ang naglatag ng kumot habang si Selene naman ay nagbukas ng mga baon nilang pagkain.“Tulungan na kita,” sabi ni Levi at bago pa makapagsalita si Selene ay inagapan na niya itong tulungan sa paglagay ng juice sa baso. Napatigil si Selene nang magtagpo ang kamay nila habang sabay silang kumukuha ng pl
Last Updated : 2025-11-08 Read more