HINDI inaasahan ni Mariella ang pag-uwi ni Gabriella at Miguel. At nagalak naman ang matanda nang malamang nagkaayos na rin ang dalawa. Magkatabi ang dalawa sa mahabang sofa habang si Mariella ay naka-upo sa pangisahan upuan. "Mamang, nagpakasal na po kame ni Miguel sa huwes kahapon," mahinahong sabi ni Gabriella. Bahagyang nagulat si Mariella. "Balak ko pong isama si Gabriella sa Japan, tita Mariella," salo naman ni Miguel. "Wala naman problema sa akin ang pagpapakasal ninyo. Ipinagkakatiwala ko sa iyo ang anak ko, Miguel. At natutuwa ako na naayos n'yo ang hindi pagkakaunawaan ninyong dalawa." malumanay na pahayag nito. "Salamat po, tita Mariella." nakangiting tugon ni Miguel. "Bakit tita Mariella pa ang itatawag mo sa akin. Hindi ba dapat Mamang na rin." "Sige po, Mamang," nakangiting sabi ni Miguel at sinulyapan si Gabriella na noon ay pinagtatawanan siya. "Anong nakakatawa?" tanong niya sa asawa. "Para kasing ang amo-amo mo pagkaharap mo si Mamang," tudyo niya
최신 업데이트 : 2025-10-16 더 보기