PAGLABAS ni Gabriella sa silid ni Miguel ay nakasalubong naman niya si Manang Betty "Nasa silid pa ba niya si Miguel?" tanong ni Manang Betty, parang nagmamadali ito. "Nagbibihis po," napilitang ngumiti si Gabriella nang makaharap si Manang Betty. Tumingin si Manang Betty sa kanya na parang may gustong sabihin ngunit para ding nagdadalawang-isip. "Ano po ba iyon?" nagtatakang tanong niya. "Nandiyan kasi si Samantha sa ibaba. Hinahanap si Miguel," sabi nito. Bahagyang nagulat si Gabriella ngunit hindi siya nagpahalata. "Si tito Moises po ba nasa baba?" tanong niya. "Maagang umalis si Moises dahil may golf session ito ngayong araw," tugon nito. "Sige po, puntahan niyo na po si Miguel," pilit ang ngiting sabi niya kay Manang Betty. Tumalima na ito. Habang siya ay pababa ng hagdan, hindi niya malaman kung ano ang mararamdaman sa mga oras na iyon. Huminga siya ng malalim. Ilang beses na ba niyang nasaksihan ang paglingkis at paghalik nito kay Miguel? Kailangan pa bang
Terakhir Diperbarui : 2025-10-08 Baca selengkapnya