Mula sa couch tumayo si David. Tinungo niya ang hardin. Nang masalubong niya ang kanyang isang kawaksi, inutusan niya itong dalhan sila ng meryenda ng kanyang bisitang P.I. Tumalima naman agad ito. "Mr. Montenegro, magandang hapon po," ani ng P.I. sabay abot ng kanang kamay sa gwapong CEO na agad namang tinanggap nito."It's gonna be a good afternoon if you have an updates regarding sa mag-lola, have a seat," seryosong sagot ni David sa naturang P.I. at iminuwestrang muli ang metal chair. Kasalukuyan silang nag-uusap sa hardin kung nasaana masasamyo ang sariwang-hangin at iba't ibang amoy ng mga bulaklak."HIndi po ako mag-aaksaya nang oras at panahon na pumarito kung wala akong dalang bagong balita sa inyo. Natagpuan ko po ang mag-lola sir, kasalukuyan silang kinupkop ng mga taong Aeta sa Sitio Manibukyot, Capas, Tarlac," sagot ng P.I."Good! Hindi nasayang ang pera ko para ibayad sa'yo. Kaya nga ikaw ang pinili ko dahil alam kong mas magaling ka," nakangiting tugon ni David sa natu
ปรับปรุงล่าสุด : 2025-10-23 อ่านเพิ่มเติม