"Where are we going Clyde?" nakangiting tanong ni Yana sa bibong si Clyde. Habang panaka-naka na nakasulyap siya sa kaibigang si Zai na kasalukuyang nangungulangot. Walangya talaga itong kaibigan niya. Napailing siya. "Somewhere where you want, titamommy, my treat," nakangiting tugon ni Clyde. "How about, sa pinakamalapit na restaurant for us to eat na for lunch," sagot ni Yana sa bata. "Please name the place, titamommy," si Clyde habang naglalambing kay Yana. "How about, Wild Flour Italian?" suhestiyon ni Zai. "Sige na, Clyde. Pangarap kong makapasok do'n, tapos mag-sedfie ako, ipagmamayabang ko sa mga kaibigan ko sa probinsiya, post ko sa social media account ko.""Alright, tita Zai. How about you, titamommy. Do you agree with tita Zai's suggestions?" si Clyde. "Kahit saan, basta makakain lang tayo, actually, I'm starving sweetie," nakangiting turan ni Yana sa bata. Pansin ni Yana na tahimik lang si Jarold. Sigurado siyang hindi ito nakatanggi sa request ng pamangkin na samaha
Last Updated : 2025-10-26 Read more